Pang-aabuso sa mga bata



PANG-AABUSO SA MGA BATA



-mga isyung panlipunan-

Ang isyung panlipunan na ito ay makikita sa Noli Me Tangere at maiuugnay din natin ito sa panahon ngayon. Ang child abuse ay ang hindi maayos na pagtrato sa magulang sa kanilang anak. Ito ay pisikal na pananakit sa isang bata. Ang child abuse din ay "sexual abuse" o "maltreatment" sa mga bata. Hindi lang sa Piipinas nangyayari ang problemang ito dahil nanaranasan ito ng mga bata sa buong mundo. Maraming bata ang namamatay dahil sa pang-aabuso ng kanilang mga magulang. Nawawalan sila ng karapatan magsaya at maglaro kagaya ng ibang mga bata dahil sa ginagawa ng mga magulang nila. Sa murang edad pa lamang ay nagkakaroon na ng depression ang mga bata dahil sa pangyayaring ito. Nagkakaroon ng trauma at anxiety ang mga bata dahil sa pang-aabuso na ginagawa ng magulang nila. Walang bata ang dapat makaranas nito dahil sila ay mga inosenteng tao. Ang mga magulang na ito ay dapat maparusahan sa kanilang mga kasalanan at matigil ang kanilang pang-aabuso.

Sa artikulo ni Ana P. Santos, ang isang tatlong taong gulang na bata ay nakaranas ng "online sexual exploitation. Sa pandemyang nangyayari ngayon ay mas lumalala ang pang-aabuso ng mga bata dahil sila ay nasa loob ng bahay lamang kaya nabibigyan ng mas maraming oras ang pang-aabuso sa kanila. Ayon sa DOJ ay nagkaroon ng "surge of sexual exploitation" noong March 1 hanggang May 24 taong 2020. Isang Amerikano ay nakulong dahil sa pag "sexually exploit" ng mga bata. May mga bata din na ginagahasa. Ang iba naman ay namamatay dahil sa murang edad pa lamang ay sinasaktan na ng mga magulang. Habang tumatagal, ang problemang ito ay palaki ng palaki. Ito ay nakakasira ng buhay sa mga bata. May kinabukasan pa ang mga batang ito pero sinira na ito ng kanilang mga magulang. Ang ibang bata na nakakaranas nito ay nagkakaroon sila ng depression at mahirap silang kausapin dahil sa trauma na naidudulot ng child abuse. Walang awa ang mga magulang na ito at dapat silang maparusahan.

 Bilang isang kabataan, ipaglalaban ko ang aking sarili kung ito man ay mangyayari sa akin. Tutulungan ko ang mga batang nakaranas ng pang-aabuso at sisguraduhin ko na ang mga magulang nila ay magbabayad sa mga kasalanan na ginawa nila. Kailangan natin turuan ang mga bata na lumaban para sa kanilang sarili at humingi ng tulong. Bigyan ng kaalaman ang mga bata tungkol sa pang-aabuso para alam nila kung ano ang dapat at tamang gawin kung saka-sakaling aabusuhin sila. Iimpluwensyahan ko din ang mga batang nabiktima na ipagpatuloy ang kanilang buhay dahil nararapat silang magkaroon ng maginhawang pamumuhay. Magtutulungan kami para magkaroon ng hustisya ang mga batang biktima. Sa henerasyon namin ngayon ay gagawin namin ang lahat para maging mabuting impluwensiya sa susunod na henerasyon. Sabi nga ni Rizal "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" kaya dapat tayo magtulungan para matigil ang child abuse at iba pang isyung panlipunan. Sa tulong ng Noli Me Tangere, pinapakita ang mga maling gawain ng mga Pilipino. Tinturuan tayo na maging isang mabuting tao at magkaroon ng respeto sa isa't-isa.

 

Lady Shane O. Espinosa, 9-OLCON


Comments