Pang-aabuso sa mga bata
PANG-AABUSO SA MGA BATA -mga isyung panlipunan- Ang isyung panlipunan na ito ay makikita sa Noli Me Tangere at maiuugnay din natin ito sa panahon ngayon. Ang child abuse ay ang hindi maayos na pagtrato sa magulang sa kanilang anak. Ito ay pisikal na pananakit sa isang bata. Ang child abuse din ay "sexual abuse" o "maltreatment" sa mga bata. Hindi lang sa Piipinas nangyayari ang problemang ito dahil nanaranasan ito ng mga bata sa buong mundo. Maraming bata ang namamatay dahil sa pang-aabuso ng kanilang mga magulang. Nawawalan sila ng karapatan magsaya at maglaro kagaya ng ibang mga bata dahil sa ginagawa ng mga magulang nila. Sa murang edad pa lamang ay nagkakaroon na ng depression ang mga bata dahil sa pangyayaring ito. Nagkakaroon ng trauma at anxiety ang mga bata dahil sa pang-aabuso na ginagawa ng magulang nila. Walang bata ang dapat makaranas nito dahil sila ay mga inosenteng tao. Ang mga magulang na ito ay dapat maparusahan sa kanilang mga kasalanan at matigil ...